Monday, 23 April 2012

Bata man, may natutunan din

Ang umibig sa murang edad ay normal lang sa isang tao. Magulo man ang mundo ng bawat kabataan, hindi ito hadlang upang hindi nila maranasan ang kakaibang akit na mula kapwa kabataan. Pero ano nga ba alam nila tungkol sa pag-ibig? Hindi ba ito'y buhat lamang na kanilang pansariling akala at katuturan?Sila mismo ang bumubuo ng depinisyon ng kanilang pag-ibig. Sila ang gumagawa ng kanilang hangarin para sa kanilang pag-ibig. Sila ang naglalagay ng limitasyon para sa kanilang pag-ibig. Sila ang may hawak ng kanilang pag-ibig. Bata man may natututunan din.

Masyado silang natutuwa sa una. 
Sumubok kahit armas ay walang dala. 
Lahat ay bago ngunit masaya. 
Buhat ng pagiging bata, 
Nauuna ang kung ano gusto nila 
Kaysa kung ano ang mas nakakabuti para sa isa. 

Ang unang sakit sa unang pag-ibig
Hindi inakalang ito'y kay pait.
Hindi na nakatulog sa kanyang mga hikbi
Nakatulala lang sa nagdaan pang mga gabi.
Sa umaga nama'y nagmumuni-muni
Masaklap ang sa iba, tinitiis ang pag-iri.

Pag-iibigan nila daw ay magpakailanman.
Hanggang kailan ang kailanman? 
Bukas, samakalawa o sa susunod na buwan?
Madali lang yan palitan
Lalo na kung walang katapatan
Dahil sa mga temtasyon na hirap iwasan.

Gayun pa man tuloy ang kanilang pagmithi.
Dadating ang araw ng pagbabalik
Mararansan muli ang saya't wagas na ngiti
Tulad sa unang matamis na pagibig.
Dahil bata man may natutunan din.

No comments:

Post a Comment