Monday, 23 April 2012

Bata man, may natutunan din

Ang umibig sa murang edad ay normal lang sa isang tao. Magulo man ang mundo ng bawat kabataan, hindi ito hadlang upang hindi nila maranasan ang kakaibang akit na mula kapwa kabataan. Pero ano nga ba alam nila tungkol sa pag-ibig? Hindi ba ito'y buhat lamang na kanilang pansariling akala at katuturan?Sila mismo ang bumubuo ng depinisyon ng kanilang pag-ibig. Sila ang gumagawa ng kanilang hangarin para sa kanilang pag-ibig. Sila ang naglalagay ng limitasyon para sa kanilang pag-ibig. Sila ang may hawak ng kanilang pag-ibig. Bata man may natututunan din.

Masyado silang natutuwa sa una. 
Sumubok kahit armas ay walang dala. 
Lahat ay bago ngunit masaya. 
Buhat ng pagiging bata, 
Nauuna ang kung ano gusto nila 
Kaysa kung ano ang mas nakakabuti para sa isa. 

Ang unang sakit sa unang pag-ibig
Hindi inakalang ito'y kay pait.
Hindi na nakatulog sa kanyang mga hikbi
Nakatulala lang sa nagdaan pang mga gabi.
Sa umaga nama'y nagmumuni-muni
Masaklap ang sa iba, tinitiis ang pag-iri.

Pag-iibigan nila daw ay magpakailanman.
Hanggang kailan ang kailanman? 
Bukas, samakalawa o sa susunod na buwan?
Madali lang yan palitan
Lalo na kung walang katapatan
Dahil sa mga temtasyon na hirap iwasan.

Gayun pa man tuloy ang kanilang pagmithi.
Dadating ang araw ng pagbabalik
Mararansan muli ang saya't wagas na ngiti
Tulad sa unang matamis na pagibig.
Dahil bata man may natutunan din.

Thursday, 19 April 2012

Naghihintay sa taong "timeless"

"Gusto kita."

Dalawang salita. Siyam na letra. Sarap pakinggan, lalo na kung ito'y galing sa taong gusto mo rin. Oo, sa taong gusto mo rin na may gusto rin sa'yo.

Ibig bang sabihin, kayo na? 

Hindi.

Ibang-iba ang taong gusto mo sa taong mahal mo. Ang taong nagugustuhan mo ay parang isang bagong damit, maganda sa una. Madalas sinusuot kaya napagsasawaan. Ang taong mahal mo naman ay wala sa uso pero kahit anong panahon pwede mong isuot. Timeless

Noong nakaraang buwan ang dalawang salita na nabanggit ko kanina ay nabanggit sa akin ng isang taong gusto ko (na hindi ko inaasahan na magugustuhan ko pala siya). Labis ang aking kasiyahan. Ngunit nandoon pa rin ang pag-aalinlangan. Dalawang buwan bago mangyari yun ay may nagsabi rin sa akin ng ganoon na gusto ko rin. Ang dalawang taong ito ay nagustuhan ko hindi dahil lang sa pisikal nilang anyo kundi dahil sa kanilang katalinuhan at sense of humor. Aaminin ko kinilig ako sa mga sandali na sinabi nila yun sa akin. (Magkaibang panahon nila inamin sa akin yun at magkaibang panahon ko rin sila nagustuhan kaya lilinawin ko lang na hindi ko sila pinagsabay.) Bilang babae, umasa ako na pagkatapos ng nangyari ay may magbabago. Pero mali ako.Ang mga salitang iyon ay nanatiling mga salita. Kaya sa isa pang pagkakataon, nag-aalinlangan ako. Natatakot ako.

Hindi sa lahat ng pagkakaton makukuha natin ang gusto natin. Maniwala ka man sa hindi may mga bagay na para sa'yo at para rin naman sa iba. May mga bagay din na patikim lang. Hindi masama ang maghintay sa taong magiging sa'yo lamang. Kung tutuusin mas mahahanap mo ang hinahanap mo kung ika'y maghihintay. Mahahanap mo yung taong hindi kukupas sa pagdaan ng panahon. Hindi mo pagsasawaan. Handang manindigan sa mga salitang binibitawan. Magmamahal sa'yo ng matapat. 




Siguro nga'y hindi pa ito ang tamang panahon para sa akin pero handa akong maghintay.

Sunday, 8 April 2012

Summer noon at ngayon

Feel the heat of Summer! Ito yung kadalasang sinasabi ng mga taong sabik sa bakasyon. Walang pasok, ilang linggong walang opis, ilang araw na walang sawang lumangoy sa dagat man o swimming pool, maglaro sa buhangin, magpunta kung saan-saan at walang sawang food trip, tulog at adventure.

2010. Graduation ng mga ilang pinsan ko sa highschool. Nagkaroon ng "munting: reunion ang pamilya namin sa father side ko. Munti kasi hindi kami kumpleto 100%. Nagsaya kami siyempre sa kalalangoy at laro sa swimming pool sa North Riverside Island Resort at pagkain ng sama-sama.





2011. Kakalipat lang namin sa aming bagong bahay sa probinsya. Mas malaki kaysa sa una. Kaya naman niyaya ng aking ama ang kanyang ina at bunsong kapatid kasama ang ilang mga pinsan ko na magbakasyon sa amin. Yun lang ulit nakauwi sa probinsya ang kanyang bunsong kapatid na matagal ng may sakit. Lubos ang kanyang kasiyahan kapag nakikita niya muli ang kaniyang mga pinsan, tiyahin at iba pang mga kamag-anak. Kami naman magpipinsan ay walang sawang lakwatsa, langoy sa dagat, pumunta sa Nogas Island (ang white sand island na malapit sa amin), pagkolekta ng mga star fish tapos ibabalik rin sa dagat pagkatapos magpapicture, swimming sa Sira-an Hot Spring, roadtrip gamit ang motor, mutung (o pagpapa-akyat ng tito namin sa puno ng niyog para kumuha ng niyog. Bubuksan ito at iinumin ang sabaw tsaka lalagyan ng condensed milk ang niyog at kakainin. Sarap!), pagbisita sa mga kamag-anak, nood ng basketball game sa plaza, pumupunta sa mga fiesta, reef hopping, bonfire with marshmallows, minsang inuman,gumawa ng bola na gawa sa buhangin at ipagulong (matira matibay), pagtitig sa mga bituin sa langit at iba pa. Basta sobrang saya namin noon.





2012. Ikalawang linggo na ng Abril may pasok pa rin kami. Exams pa nga eh. Nakakainggit ang ibang mga kolehiyo at unerbersidad. *Sa sarili: Nasa kolehiyo na pala ako. Pagkatapos ng exams wala pa rin akong kawala sa mga workshop na dapat kung puntahan. Pero hindi ko naman sinisisi ang workshop dahil sa tingin ko maaaliw rin naman ako. Pero yung nais ko lang naman eh mag-enjoy ngayong summer tulad ng mga nakaraang bakasyon ko. Wala kami sa probinsya. Wala rin ang sponsors namin pagswimming. Paano 'to!? Pero isang araw pumunta ako sa mga pinsan ko at nag-overnight. Dahil gusto naming sulitin ang summer, sinimulan namin ito ng paggawa ng Pizza Roll at Mais con Yelo. Sa sumunod na araw nagsalubong kami. Pagkauwi sa bahay, naglagay kami ng mga kolorete sa mukha dahil wala kaming magawa. Sinulit na namin ang aming kolorete sa mukha kaya nagbihis kami na ala-70's at nagphotoshoot. Saya! Ngayong hapon naman, gumawa ulit kami ng mais con yelo at Choco Crinkles. Teka, nagluluto pala kami... Haha.


P.S: Nakasalalay sa'yo ang kaligayahan mo this summer. Oh, mag-isip na ng something at gora! Enjoy your 2012 Summer! :D