Wednesday, 22 August 2012

'Di matatakasan ang pagwakas

Paano kung nakagat ka ng isang bampira, nilapa ng mga zombies, dinurog ng ten-wheeler truck, pinalamon sa pating,  nilibing ng buhay sa loob ng isang taon, pinagpiyestahan ng mga lamok at dinengue ngunit buhay na buhay ka pa rin? Astg di ba? Ikaw na! Ano naman ang gusto mong tawag sa'yo nun? Superhumanbeing? Pwede ring Kapitan 'Di Mamatay-matay? Ay, Life Sucker? O kung grupo kayo, The Immortals? Oh ha!

Sarap isipin yung buhay na walang hanggan. Yung lahat kaya mong gawin na hindi nagmamadali. Kung gusto mo, pumunta ka muna ng Disneyland bago ka mag-quiz sa akda mong Pilosopiya ng Tao. Yung walang salitang deadline. Pati kamu 'yung load mo eh walang expiration at baterya ng cellphone mo ay hindi nauubos. Petiks, chillax, cool, izzi krizi, sisiw, later. Mga salita na 'to ay siguradong aapaw sa diksyunaryo. Ngunit sa tingin mo ba mabubuo pa ang salitang kamatayan sa ganitong mundo?

Hep! Sandaling lang. Reality check. Ikinalulungkot ko na tayo ay mga mortal na tao lamang. Alam kong libre ang mangarap ng ganitong mundo. Kasu baka kainin ng patay gutom na oras ang ating sarili sa kaiisip nito. Ang buhay ay puno ng mga walang kasiguraduhang bagay pero isa lang ang sigurado, darating sa bawat isa ang kamatayan. Ang kinatatakutan ng lahat. Bakit nga ba?

Gusto mo bang mamatay dahil sa katititig sa iyong crush? O 'di kaya dahil ni-retweet ng wirdo mong admirer ang tweet mong "I'm bored"? Gusto mo bang mamatay sa kamay ng isang napakagwapong kidnapper? O matapos magpakasal sa isang matandang mayaman? Gusto mo bang mamatay dahil binigyan ka ng hott mo na prof ng gradong 'R'? O masuffocate ng mabahong utot sa loob ng elevator? Pero, teka lang bakit ka nga ba takot mamatay?

No comments:

Post a Comment