Mahirap ang maging buhay kolehiyo. Lalo na kung nag-iisa ka na. Pero sa palagay ko, dapat lang. Pero huwag sanang hayaan na maging mag-isa lang lagi. Mahirap yun. Lubos na nakakalungkot. Sa pagdaan ng araw naisip at napagtanto ko na, tama pala sila kahit anung gawin mo lalaki at lalaki ka rin. Tatanda ka rin. Mawawalan ka ng mga ilang oras para sa ibang bagay dahil ilalaan mo na lahat ito sa kung ano meron ka ngayon para masigurado ang kinabukasan.
Pero noong isang araw pumunta ako sa isang palaruan. Nakakainggit ang mga bata dahil naglalaro lang sila. Walang inaalala. Kung meron man, andiyan naman ang kanilang mga magulang o tutor para turuan sila. Nagagawa nilang maglaro at magsaya ng walang kahirap-hirap. Paano kaya kung ganoon ang mundong kinagagalawan ng lahat? Isang lugar kung saan nakukuha mo ang kasiyahan mo ng walang kahirap-hirap. Nagagawa mong ngumiti at tumawa kasama ang iba. Walang kang aatupaging oras, bukas o deadline. Nagagawa mo na nga ang gusto ma, masaya ka pa. Masarapa pala kung ganoon, kung ako'y laging nasa palaruan lamang.
No comments:
Post a Comment