Hiyaan. Biruan. Tawanan. Inuman. Iyakan. Kantahan. Kuwentuhan. Picturan.
Dito nag-umpisa ang lahat. Sa mga bagay na ito nag-umpisa ang malalim na pagkakaibigan na hindi inaasahan. Tiwala ang siyang nag-udyok sa atin para mas lalong makilala ang bawat isa. Para mas lalong maintindihan ang bawat isa. Ang mga pinakatinatagong mga lihim ay siyang naibahagi. Una parang 'di kapanipaniwala ngunit dahil nga sa naging tunay ang bawat isa, tinanggap ito ng walang bahid ng panghuhusga. May mga pagkakataon na hindi nagkakaintindihan o nag-aaway pero hangad pa rin natin ang isang matibay na kapatiran. Dumating man ang panahon ng pagkawatakwatak, tayo ang pumili ng sarili nating desisyon. Desisyon na nagdala sa atin sa isang mas mabilog na pagkakaibigan. Layunin ng bawat isa ay simple lang: maipakita ang talento ng isa't-isa sa tulong ng lahat na walang halong kayabangan. Ang aking munting dasal ay sana maging masaya ang bawat isa at magkaroon ng walang sawang pagkakaintindihan hanggang sa hinaharap.
Ako ay walang masabi. Ligayang nararamdaman ko'y umaapaw. Alam kung gayun din sa inyo. *Cheers! :)
Friday, 16 March 2012
Monday, 5 March 2012
Sa Palaruan
Mahirap ang maging buhay kolehiyo. Lalo na kung nag-iisa ka na. Pero sa palagay ko, dapat lang. Pero huwag sanang hayaan na maging mag-isa lang lagi. Mahirap yun. Lubos na nakakalungkot. Sa pagdaan ng araw naisip at napagtanto ko na, tama pala sila kahit anung gawin mo lalaki at lalaki ka rin. Tatanda ka rin. Mawawalan ka ng mga ilang oras para sa ibang bagay dahil ilalaan mo na lahat ito sa kung ano meron ka ngayon para masigurado ang kinabukasan.
Pero noong isang araw pumunta ako sa isang palaruan. Nakakainggit ang mga bata dahil naglalaro lang sila. Walang inaalala. Kung meron man, andiyan naman ang kanilang mga magulang o tutor para turuan sila. Nagagawa nilang maglaro at magsaya ng walang kahirap-hirap. Paano kaya kung ganoon ang mundong kinagagalawan ng lahat? Isang lugar kung saan nakukuha mo ang kasiyahan mo ng walang kahirap-hirap. Nagagawa mong ngumiti at tumawa kasama ang iba. Walang kang aatupaging oras, bukas o deadline. Nagagawa mo na nga ang gusto ma, masaya ka pa. Masarapa pala kung ganoon, kung ako'y laging nasa palaruan lamang.
Thursday, 1 March 2012
Eba
Nakaupo sa silya
Atensyon niya'y matapat
Taimtim na nakikinig
Sa gurong dakdak
Pero bakit ganoon?
Ang pilikmata niya'y
Nang-aakit ng inosente.
Hindi lang yan.
Ilong niya'y maliit
Pero kay tangos
Bibig niya'y manipis
Pero kay pula
Kutis ay makinis
Rosas kung maarawan
Buhok ay mahaba
Maitim, parang gabi
Kaakit-akit siyang tunay
Ako'y hindi mapalagay
Dahil aking alam
Eba kaming tunay
Atensyon niya'y matapat
Taimtim na nakikinig
Sa gurong dakdak
Pero bakit ganoon?
Ang pilikmata niya'y
Nang-aakit ng inosente.
Hindi lang yan.
Ilong niya'y maliit
Pero kay tangos
Bibig niya'y manipis
Pero kay pula
Kutis ay makinis
Rosas kung maarawan
Buhok ay mahaba
Maitim, parang gabi
Kaakit-akit siyang tunay
Ako'y hindi mapalagay
Dahil aking alam
Eba kaming tunay
Subscribe to:
Posts (Atom)